SPEDtackles

Umiwas sa Mapaminsalang Lamok!

In Environmental Communication on March 25, 2011 at 1:19 am

ni Jayson Rangel

Unclean

Sa mga nakaraang taon ay marami ang nagkasakit at namatay sa sakit na dengue fever. Karamihan dito ang mga kabataan at ito ay kadalasang na nakukuha sa mga tahanan at paaralan. Dahil sa sakit na ito ay naalarma na ang gobyerno, ospital, at buong bayan dahil parami na ng parami ang napipinsala nito. May mga simpleng  paraan para maiwasan ito at hindi na kailangan maapaektuhan ang inyong kalusugan at pamumuhay.

  1. Takpan ang mga container o lalagyanan ng tubig upang maiwasan na pangitlugan lamok
  2. Panatiliing malinis ang kapaligiran
  3. Huwag mag tambak ng basura kung saan saan (maaring paghiwalayin ang nabubulok sa di nabubulok na basura)
  4. Panatilihin na tuyo ang kapaligiran(itapon na nag mga lumang gulong, lata ,bote upang din a mapasukan ng tubig ulan)
  5. Tingnan at linisin nang regular ang mga alulod ng bahay upang maiwasan ang pag-iipon dito ng tubig-ulan.
  6. Gumamit ng kulambo habang natutulog sa araw o dili kaya’y lagyan ng “screen” ang mga bintana o pinto ng bahay.
  7. Gumamit ng lotion para sa lamok
  8. Kapag nakitaan ng mga sintomas ay agad ng pumunta sa pinakamalapit na health center

Iwasan at sugpuin ang lamok upang maiwasan ang mga pinsala nito sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Mabuti na ang may alam at handa lalo na sa panahon ng tag-ulan. Pangalagaan ang malusog na kapaligiran!

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: