Kay gandang pagmasdan ang kasiglahang galaw na kanilang taglay, mga kulay na masarap sa ating mga paningin at ang halimuyak na nakikiusap na lasapin natin sila. Ano nga ba ang kahalagahan nila sa ating kapaligiran?
At bakit unti unti na silang nawawala?
Ang mga bulaklak at halaman ay may malaking parte sa ating kapaligiran. Sila ang nagbibigay kulay sa bawat daanan, tirahan at mga paaralan. Higit pa sa kagandahan nitong taglay ay marami itong naiitulong sa atin tulad ng medisina, pagkain, malinis na hangin at buong ekosistema. Dahil sa mga polusyon na nararanasan natin tulad ng polusyon sa hangin at tubig ay unti unti na silang naganganib.
Dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, mga usok ng mga pabrika at sasakyan ay lumalala ang polusyon sa hangin. Ang maduming hangin na ating nalalanghap ay nakakasama sa ating kalusugan at kapag ito’y humalo sa ating kalangitan ay magkakaruon tayo ng ibat ibang delubyo. Ang isa na rito ay ang acid rain na lubos na nakakasira sa mga halaman at nilalang. Ang acid rain ay ang paghahalo ng masamang hangin tulad ng sulfuric acid at tubig galling sa ulan. Kapag ito ay bumagsak sa lupa ay maaring makasira sa ating kapaligiran. Maari nitong mapatay ang mga halaman, hayop, at iba pang nilalang. At kapag ito ay humalo sa sustansya ng lupa ay masisira nito ang sistema ng paggawa ng pagkain nito na nagdudulot ng kanilang kamatayan.
Iwasan natin magsunog ng mga plastik, magtipid ng tubig, at gumamit ng mga alternatibong paraan upang makaiwas sa masamang polusyon. Maraming paraan upang makatulong tayo sa ating kapaligiran kahit sa mga simpleng mga paraan. Atin natin silang pangalagaan, ingatan at paunlarin dahil balang araw ay sila rin ang magliligtas sa ating buhay.