SPEDtackles

Mabubuhay sila ng wala tayo, e tayo ba?

In Environmental Communication on March 24, 2011 at 11:21 pm

Yosi

ni Ericka Dator

Paano na lang kung ang hangin natin ay patuloy na nasisira dahil sa mga kemikal na ginagamit natin na napapahalo doon? Paano na lang kung ang tubig natin ay tuluyan nang maging madumi dahil sa mga basura na tinatapon natin? Paano na lang kung wala na sila, paano na tayo?
Ang tubig at hangin ay dalawa sa mga kailangan nating mga tao para mabuhay nang matiwasay. Kailangan natin ng tubig dahil 50-60% ng ating katawan ay binubuo nito.

Free falling water

Masarap isipin na hindi tayo nawawalan ng tubig at malinis ang bawat patak nito na iniinom natin. Ngunit, ng dahil sa kapabayaan nating lahat, hanggang pag-iisip na lamang tayo ng masaganang tubig ang magagawa natin. Ang Colegio de San Juan de Letran-Calamba ay isang institusyon sa Laguna

na may malasakit sa kalikasan. Ngunit gayun pa man, hindi naging madali para sa mga otoridad na ipamahagi ang kaalaman nila tungkol sa pagmamahal sa kalikasan sa mga estudyante nito. Hindi man nila naibabahagi ng husto ang mga kaalaman nila, nalalaman na rin ito ng mga estudyante ng dahil sa mga paalala na nakadikit sa mga pader ng institusyon.

Isa pang kailangan ng tao ay ang hangin. Natural na na malaman ng bawat tao na kailangan natin ng hangin para makahinga at tumuloy ang sirkulasyon ng dugo natin sa katawan upang mabuhay. Ngunit ng dahil sa usok ng sigarilyo, tambutso ng mga sasakyan, pagsisiga, pesticides, at mga pintura, nagkakapolusyon ang ating hangin. Mahirap nang matanggal ang polusyon sa hangin ngunit mababawasan ito at hindi na muling madadagdagan kung ang mga usok na nilalabas ng bawat sasakyan ay organic—galing sa mga dahon na hindi nagdudulot ng polusyon. Madaming tao ang gustong mapanatili ang maganda hangin sa atin sa pamamagitan ng mga karatula at mga paalala na nilalagay nila sa matataong lugar tulad ng Letran-Calamba. Nasa mga tao na rin lamang ang desisyon kung susundin nila ito o hindi.

Hindi tayo maaaring mabuhay ng walang hangin at tubig. Simula pa lang mabuo ang mundo, nandyan na sila para suportahan tayo sa ating araw-araw na buhay. Wala lang sa kanila kung mawala tayo, ngunit tayo ang kawawa pag nawala at nasira na sila. Lahat tayo ay may kanya-kanyang magagawa. Hindi pa huli ang lahat para magbago. May magagawa pa tayo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: