SPEDtackles

Limang Umaaribang Hakbang Patungo sa Isang Malinis at Matiwasay na Letran.

In Environmental Communication on March 24, 2011 at 11:39 pm

ni Danica Marie Abesamis

Escape

Mula pa man noon hanggang sa ating hinaharap, ang ating kapita-pitagang Kolehiyo ay kilala sa pagkakaroon ng isang kaanya-anyayang kapaligiran. Isa na lamang dito ay ang mga mabeberdeng puno at halaman dito. Sadyang nakakapagbigay ng kakaibang kasiglahan at katiwasayan ang hangin na masusulyap mo sa gitna ng paaralan. Noong akoý bago pa lamang sa Letran, akoý lubusang naakit sa kagandahang dulot ng tanawin sa loob nito. Ngunit, sa aking pagtatagal sa kolehiyo, aking napansin na unti-unting napapabayaan ang kakaibang halimuyak na pinapamalas ng kapaligiran sa Letran. Napansin din kaya ito ng aking mga kapwang Letranista? Napansin at nahalimuyak din kaya nila ang mga kakaibang pagbabago sa tanawin ng Kolehiyo? Maaaring oo, napuna nila ito, at maaaring pinagpapasawalang bahala na lamang nila ito. Ano nga ba ang mga nakatagong suliranin patungkol sa kalikasan ang meron sa Letran? Mabibigyan pa ba ito ng mga kalutasan?

Unahin na lamang natin ang problema sa tubig o “water pollution”. Maituturing na isang polusyon sa tubig ang makikita sa Kolehiyo. Halimbawa na lamang nito ay ang pagkakaroon ng amoy kalawang sa tubig na lumalabas sa gripo sa mga palikuran. At madalas din na walng tubig sa mga palikuran, kaya naiiwan na madumi ang mga ito. Isa pang problema sa tubig ay ang pag-iipon at hindi pagpapalit ng laman sa mga sisidlan nito. Ito ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng “dengue”, dahil ito ay mabilis na nakakapanghikayat sa mga lamok. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga problema sa tubig.

Alam naman natin na ang bawat paaralan ay mayroong patakaran na bawal manigarilyo. Ngunit, nakakalungkot na paglabas mo pa lamang ng Kolehiyo ay nagkalat na ang mga gumagamit ng sigarilyo. Mapa estudyante man o hindi. At ito ay isa na lamang sa dahilan ng  pagkakaroon ng polusyon sa hangin o “air pollution”. Talamak sa loob at labas ng paaralan ang mga usok na nanggagaling sa mga kotse at motorsiklo. At mapapansin din ang mga nagsusunog sa paligid ng paaralan, lalo na sa mga naninirahan malapit sa paaralan. Kung ikaw ay mapagmasid na tao, marami ka pang mapapansin sa paligid ng Letran. Paano nga ba mabibigyan ng katarungan ang mga pagbabagong ito? Ano nga ba ang maaaring maging kontribusyon ng isang Letranista sa mga nabanggit na suliranin?

Ako ay gumawang aking listahan na maaaring niyong pagnilayan at pagbasihan sa pagkakaroon ng hakbang-hakbang na pagbabago sa Letran:

  1. Bilang isang Letranista, maging isa ka sa tagapagtaguyod ng kalinisan. Magpulot ng mga kalat na makikita, upang maiwaasan ang pagkakaroon ng baha na maaaring magdulot ng polusyon sa tubig.
  2. Bilang isang Letranista, matuto tayong maging matipid sa tubig. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kakapusan sa tubig, huwag iiwang bukas ang gripo kahit na walang nalabas na tubig.
  3. Isa kang Letranista kung marunong ka sumunod sa mga patakaran. Upang maiwasan ang pagbabara sa mga palikuran, itapon sa tamang lagayan ang mga ginamit, huwag sa inidoro upang hindi magbara.
  4. Kung tunay kang Letranista, alam mo kung paano disiplinahin ang iyong sarili. Iwasan ang manigarilyo at mas maganda kung ihihinto mo na ito. Bukod sa masama ang naidudulot nito sa ating katawan, malaki din ang epekto din ito sa kapwa at sa kagandahan ng kapaligiran.
  5. Kung isa kang Letranista na mayroong kotse, alamin mi muna kung nakakapinsala ang usok na nilalabas ng iyong tambutso. Kung hindi ka pa nakakapag Smoke Emission Test (SET), pumunta ka na at ipaayos na ito.

The Scene

Simple lamang ang nais kong parating sa inyo, kung gaano mo kamahal ang iyong sarili, ganon ding pagmamahal ang ibigay at ipadama mo saiyong paligid, at sa ating Inang kalikasan. Patunyan natin na ang isang dugong Letranista ay ang magsusulong sa isang malinis at matiwasay na Letran. Aribba!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: